• Home
  • BIO
  • Online Book
  • Franchise
  • Travel
  • What's Up?
  • Contact
 THE BEST TIME TO START IS NOW

Maglakbay para matuto ng bagong negosyo

06/17/2014

0 Comments

 
Picture
Ang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay may dalawang pangunahing layunin. Una, para makakita ng magagandang tanawin at pangalawa upang maragdagan ang ating kaalaman pagdating sa negosyo.

Business and pleasure ayon nga sa kasabihan.


Kung titingnan natin, karamihan sa ating mga sucessful na businessmen at entrepreneurs ay lumawak ang kaalaman pagdating sa negosyo sa dahilang napunta sila sa ibang lugar upang matuto ng mga makabagong ideya at perspektibo sa buhay, sa negosyo at aspetong pinansiyal.

Madalas, nakakabuo tayo ng bagong ideya sa negosyo sa pagmamasid sa mga nakagawian na sa iba’t ibang sulok ng  ating bansa at maging sa maraming lugar sa ibayong dagat.

Kung meron tayong munting negosyong nasimulan na at balak simulan, ang mga ideyang napulot natin sa ating paglalakbay minsan ang magiging dahilan upang makapagpatayo ng sariling negosyo.

Huwag kalimutang kumuha ng pictures ng mga important places at possible excellent business ideas.

Gamitin ang cellphone cameras at videos sa pagrecord ng important things na magagamit sa negosyo. Sa pictures na nagmula sa cellphone mo, baka eto ang maging simula ng pag-asenso ng buhay mo.




Add Comment
 

Maganda ang trabaho pero sa negosyo ka aasenso

06/12/2014

0 Comments

 
Picture
 Maganda ang matatag na trabaho pero madalas hindi ito magdadala sa iyo ng kita na inaasam mo. Ang pinakamaganda pa rin sa lahat ay magkaroon ng sariling negosyo. Anong negosyo? Yung negosyong malapit sa puso mo.

Ang internet ang pinamakamagandang medium upang mapromote ang sariling negosyong nasa isip mo. Etong blogsite na binabasa mo ngayon ang ginamit dito ay Weebly, isang simple at user friendly na blogsite na puwedeng ma-edit ng owner kahit walang assistance ng web developer. Sa simpleng pagsusulat ng inspirational thoughts umaasa ako na marami ang maeengganyo na magsimula ng isang simpleng negosyo na lalago balang araw. Maraming puwedeng pagkakakitaan sa ngayon. Yung mga simpleng t-shirts, bracelets, larnyards, souvenir items, online consultancy at iba pa. Ilan lang yan sa puwede mong simulan. Start small but think big ika nga sa kasabihan.

With the onset of internet, madali nang ipakalat ang magandang balita ukol sa negosyong nasimulan mo.

Add Comment
 

Pinaplano ang pagtatagumpay at pagyaman

06/12/2014

0 Comments

 
Picture
Ang buhay, katulad ng anumang bagay ay puwedeng planuhin. Kung puwede etong planuhin, ibig sabihin, makokontrol natin ang puwedeng mangyari dito.

Marami ang nagsasabi, ang buhay raw nila kapalaran ang magdidikta. Destiny ika nga. Marahil sa ilang nabibilang na pagkakataon pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Ang buhay natin nakasalalay sa bawat desisyon ginagagawa natin para sa ating sarili.

Yung iba, nagdesisyong yumaman kaya yumaman sila. Karamihan nakukuntento na lang kung ano mang meron sila.

Kung sa paggawa ng bahay kailangan ng blueprint o detalyadong plano, ganun din sa buhay. Simula sa elementary hanggang college, may plano lahat iyan. Ang execution of course ay nasa ating mga kamay pa rin.

Kung may guide na plano, alam natin kung ano ang direction o patutunguhan ng ating mga buhay. Are we moving according to schedule? Under spending o over spending ba tayo sa paggastos ng ating pera. Lahat iyan ay controllable.

Paano na para mag-examine tayo ng ating present and future plans. May kailangan bang ma-improve? Sa napapanahong pagbabago, uunlad ang buhay mo.

Add Comment
 

Kahirapan hindi hadlang upang gumanda ang buhay at yumaman

06/12/2014

0 Comments

 
Picture
Mahirap lang ako kaya hanggang dito na lang ako, tadhana na lang ang magdidikta ng kapalaran ko.

Iyan ang madalas nating naririnig sa karamihan sa atin. Bihira ang maririnig mo na dahil mahirap ako, magsusumikap ako upang umunlad at gumanda ang buhay ko, magtatayo ako ng sarili kong negosyo upang ako ay yumaman. Bakit kaya ganun?

Ayaw kasing baguhin ang kaisipan o line of thinking. Resistant sa pagbabago. Everything starts in the mind ika nga. Kung ano ang dinidikta ng isip mo, susunod ang damdamin at katawan mo. Kung gusto mong umunlad, isipin mo na uunlad ka. Wala namang magsasabing bawal kang umunlad. Kung mero man, hindi ka dapat madala ng sarili nilang opinyon. Ikaw pa rin ang huhubog ng sarili mong kapalaran. Everyone has an equal opportunity to succeed and become rich someday.

Matanong nga kita, ayaw mo bang umunlad ang kalagayan mo sa buhay at maging mayaman? Kung ang sagot mo ay gusto siyempre, then its about time to do something about it.  When is the time? The time is now.

Transform your life, be happy and become rich so that you can help other people do the same.

Add Comment
 

Mahalaga ang edukasyon sa pag-unlad

06/12/2014

0 Comments

 
Picture
Napakahalaga ng edukasyon. Ayon nga sa mga nakakatanda, ang edukasyon ang tanging kayamanan na di mananakaw. Education is a great equalizer. Kapag nagkaroon ka kasi ng diploma parang meron ka ng kalamangan. Eto ang susi na magbubukas ng pintuan tungo sa napakaraming opportunities sa buhay.

Ayon naman sa iba, hindi naman mahalaga ang edukasyon, eh bakit marami ang hindi naman nakatapos maganda naman ang buhay? Maaring totoo iyon pero masasabi natin na eto ay rare exceptions. Mas mabuti pa rin na meron tayong tinapos. Ang kaibahan ng mayaman at mahirap, ang mayaman patuloy pa rin ang kanilang pag-aaral. Ang karaniwang tao kuntento na lang kung anong meron sila. Patuloy kasi ang pag-aaral sa buhay. Hindi eto natatapos sa simpleng bachelor's degree lamang. May mga kaalamang makukuha sa Masteral degree o Doctoral degree, meron di naman sa pinaghalo halong karanasan sa trabaho at iba pang aspeto ng buhay.

Ang bottom line dun, mahalaga ang edukasyon upang umunlad ang buhay at eventually ay yumaman.

Add Comment
 

    Author

    Envisions  that someday all people will become rich so that they will be able to live comfortably. He came from a poor family but it did not deter him from dreaming for a better life. He wants to inspire others through his writings.
    

    Archives

    July 2014
    June 2014
    March 2014
    February 2014

    Categories

    All

    RSS Feed

    Click to set custom HTML
    get code for tracking website
    Track Web Visitors

    Social Media



Powered by Create your own unique website with customizable templates.